Ikinatuwa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na hindi na tatakbo sa pagkaalkalde sa 2025 midterm elections ang sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo.
Ito ay kasunod ng pahayag ni Guo sa pagdinig ng Senado na hindi na muna siya tatakbo at sa halip ay plano muna niyang linisin ang pangalan sa gitna ng mga kinakaharap na kaso.
Ayon kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, dahil dito ay hindi na umano mabababoy ang proseso lalo na’t naninindigan ito na hindi Pilipino si Guo kaya hindi raw siya dapat maging bahagi ng electoral process ng bansa.
Sabi pa ni Casio, dapat harapin na lamang ni Guo ang mga kaso nito.
Ang dating Bamban Mayor ay may kasong human trafficking, graft, money laundering at tax evasion.
Facebook Comments