Desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo sa 2022, hintayin muna bago maghanap ng running mate – Palasyo

95

Hintayin muna ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbo itong bise-presidente sa 2022 elections.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng mga lumalabas na pangalan ng posibleng maging running mate ng pangulo sakaling kumandidato ito sa susunod na taon.


Matatandaang sa naging pulong ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban ay hinikayat nila si Pangulong Duterte na tumakbo at pumili ng kaniyang magiging presidente.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Roque na bagama’t matagal nang itinutulak ng pangulo si Senator Bong Go ay wala pa ring final decision ang pangulo.

Ayon kay Roque, abangan na lamang ng publiko ang desisyon lalo na’t kinakailangan naman magsumite ng mga kandidato ng kanilang certificate of candidacy pagsapit ng Oktubre.

Facebook Comments