
Dinepensahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na panatilihin sa pwesto ang karamihan o halos lahat ng mga gabinete.
Sa gitna ito ng mga batikos na halos wala namang nagbago sa administrasyon dahil karamihan sa mga gabinete ay nananatali pa rin sa pwesto.
Ayon kay Bersamin, ginamit na paraan ang courtesy resignation para maipatupad ang balasahan pero nasa kamay pa rin ng pangulo bilang manager, ang pagpapasya kung sino sa tingin niya ang nakapagpatupad ng kanilang mandato.
Giit ni Bersamin, posibleng nakitaan ng magandang performance ng pangulo ang mga nananatili sa pwesto at nakapaghatid ng serbisyo na taliwas sa mga opisyal na tuluyan nang tinanggap ang resignation.
Dahil dito, inaasahan aniya ng pangulo na bibigyan ng tututukan ng mga retained officials ang kanilang mandato at magpapamalas ng mas aktibo at magandang performance, ngayong nakaligtas sila sa tanggalan at balasahan sa gabinete.









