Desisyon ni PBBM sa postponement ng BSKE 2025, hintayin muna hanggang Aug. 14 —Palasyo

Hindi pa rin kinukumpirma ng Malacañang ang mga ulat na maaaring lagdaan na anumang oras ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panukalang batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, may natitira pang panahon si Pangulong Marcos para mapag-aralan ito.

Sa August 14 pa aniya ang itinakdang deadline para makapagdesisyon ang pangulo kung aaprubahan o ibi-veto ang panukala.

Samantala, sakali namang pirmahan ang Postponement Bill, nilinaw ni Castro na kikilos ang pangulo upang matiyak na maisasaalang-alang ang epekto nito bago magtapos ang 10-araw na registration period.

Una nang inaprubahan ng Kongreso ang panukalang nagpapaliban sa 2025 BSKE sa Disyembre at inililipat ito sa susunod na taon.

Facebook Comments