Desisyon para sa bagong bus fare hike, nakatakdang ilabas ng LTFRB sa susunod na linggo

Nakatakdang ilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon sa hirit na bus fare hike sa susunod na linggo.

Sa Agosto 17 pa kasi nakatakdang ilabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kanilang position paper.

Ayon kay LTFRB Chairperson Cheloy Garafil, sa oras na maisumite na ito ng NEDA sa Miyerkules ay isusumite na rin ang kaso para sa resoluyson kung kaya’t wala ng isasagawang pagdinig.


Batid din ng LTFRB ang epekto ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo sa mga bus operator, driver, at pasahero kung kaya’t nagiging maingat aniya sila sa pagdedesisyon ng naturang usapin.

Matatandaang nanawagan ang city bus operators ng P4 hanggang P7 taas-pasahe para sa unang limang kilometro.

Taong 2018 pa nang huling magpatupad ng taas-singil sa pamasahe sa mga bus.

Facebook Comments