Manila, Philippines – Naniniwala si dating Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales na may pagkiling sa desisyon ng Commission on Appointments (CA) na hindi kumpirmahin si Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano bilang kahilim ng Dept. of Agrarian Reform.
Sa interview ng RMN kay Rosales, naniniwala siya na hindi nakalusot si Mariano dahil sa sinasabing koneksyon nito sa New People’s Army (NPA).
Hindi rin nakita ni Rosales ang paninindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Mariano tulad ng ginawa niya dati kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre.
Si Mariano ang ika-apat na miyembro ng gabinete ng pangulo na hindi nakalusot sa Commission on Appointments.
Pangalawa naman si Mariano mula sa makakaliwang grupo matapos ma-reject si dating Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo.