Desisyon sa disqualification case ng Smartmatic, ilalabas na ng Comelec ngayong araw

Iaanunsyo na ng Commission on Elections (Comelec) ngayon araw ang desisyon kung payagan ba o hindi ang Smartmatic Philippines na makilahok sa bidding para sa 2025 poll automation project.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nagpasya silang magkaroon ng deadline sa kaso bago ang pagsusumite ng mga bid para sa Full Automation System with Transparency Audit/Count (FASTrAC) project sa susunod na linggo.

Nais aniya nilang ipahayag ang desisyon bago ang pagsusumite ng lahat ng dokumento ng lahat ng gustong lumahok sa bid.


Ang deadline para sa pagsusumite ng mga bid at ang pagbubukas ng mga bid para sa proyekto ng FASTrAC ay itinakda sa Nobyembre 28.

Facebook Comments