Desisyon sa disqualification case ni BBM, ipinauubaya na ng kampo nito sa COMELEC

Ipinauubaya na ng kampo ni presidential aspirant Bongbong Marcos, ang desisyon ng COMELEC First Division kaungay sa disqualification case laban sa kanya.

Sinabi ito ng tagapagsalita ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez, sa panayam ng RMN Manila sa kabila ng bangayan nina COMELEC Commissioner Rowena Guanzon at Commissioner Aimee Ferolino patungkol sa kaso.

Ayon kay Rodriguez, hihintayin na lamang ng kanilang kampo ang paglabas ng desisyon ng komisyon habang patuloy nilang inaasikaso ang nalalapit na election campaign period sa February 8.


Facebook Comments