Inaasahang sa Mayo o sa Hunyo pa mailalabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang desisyon sa hiling na dagdag-sahod.
Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, hindi siya makakapagbigay ng eksaktong petsa kung kailan makakapaglabas ng desisyon ang wage board dahil kailangang iproseso ang dagdag-sahod nang naaayon sa rules and regulation.
Kabilang aniya sa mga prosesong ito ang mga pagdinig at public consultation.
Nauna nang hiniling ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na dagdagan ng P470 ang minimum wage sa Metro Manila para maging P1,007.
Facebook Comments