Desisyon sa impeachment trial laban kay VP Sara Duterte, kanya-kanya pa rin ayon sa miyembro ng Duterte bloc

Iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go na pagdating sa usapin ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay kanya-kanya pa ring desisyon dito ang mga senador.

Ito ang binigyang-diin ni Go matapos linawin na hindi naging factor ang impeachment sa pagbibigay ng suporta ng Duterte bloc kay Senate President Chiz Escudero.

Ayon kay Go, ang napag-usapan lamang nila sa partido ay iisa ang magiging boto nila sa Senate President at pumili sila batay sa kung sino ang makakatulong sa pagsusulong ng mga programa para sa mga mahihirap.

Sinabi ng senador na mas gusto niya ng continuity o pagpapatuloy ng Senate leadership upang hindi maantala ang mga isinusulong na programa sa Senado at handa siyang magtrabaho kung sa majority sila mapapabilang.

Hindi rin aniya nila napag-usapan ang tungkol sa impeachment at wala silang hininging anumang pabor kay Escudero para rito.

Facebook Comments