Manila, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) special third division ang naunang desisyon sa kaso ng United Coconut Planters Bank at petitioner na mag-asawang Felix at Carmen Chua sa isyu na may kaugnayan sa Lucena Grand Terminal.
Iginiit ng Korte Suprema na nakagawa ng bank fraud ang UCPB at pinapanagot nito ang bangko sa lumubong pagkakautang ng mag-asawang Chua.
Binuweltahan din ng SC sa nasabing desisyon si Federation of Philippine Industries chairman Jesus Arranza matapos nyang upakan ang mga mahistrado ng Supreme Court 3rd division sa naging pasya nila noong August 2017
Partikular ang pagbaliktad sa Court of Appeals (CA) decision at pagpanig sa orihinal na pasya ng Lucena Regional Trial Court pabor sa mag-asawang Chua.
Ayon sa Korte Suprema,walang kinalaman sa coco levy funds ang kaso ng UCPB laban sa mag-asawang Chua at dumaan muna ito sa deliberasyon kahit kaka-aapoint lang ng ilang miembro ng 3rd division.
Nanindigan rin ang special third division na walang basehan ang panawgang mag-inhibit sila sa kaso.