Desisyon sa martial law na umiiral sa Mindanao, dapat ibase sa rekomendasyon ng DND at AFP – Senators Lacson at Pangilinan

Manila, Philippines – Para kina Senators Francis Kiko Pangilinan at Panfilo Ping Lacson, makabubuting antabayanan ang magiging rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) kung dapat pa bang manatili o alisin na ang Martial Law na umiiral sa buong Mindanao simula noong May 23.

Umaasa din si pangilinan na maumpisahan na ang pagbabablik ng normalidad sa marawi city at pagtutok sa rehabilitasyon dito.

Giit naman ni Senator Lacson, ang Sandatahang Lakas ang higit na nakakaalam ng tunay na sitwasyon sa Mindanao lalo pa’t sinasabing mayroon pang mga dayuhang terorista ang nananatili sa Marawi City.


Apela pa ni Lacson sa lahat na wala naman sa Marawi City at hindi nakakakita ng tunay na sitwasyon doon na huwag maghusga para i-lift ang Martial Law sa Mindanao o hindi.

Paliwanag pa ni Lacson, mas mainam na tapusin muna ng tropa ng pamahalaan ang misyon na burahin ang mga naghahasik ng karahasan sa Marawi City bago simulan ang reconstruction at rehabilitasyon sa lugar.

Facebook Comments