
Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 5th Division ang paglalabas ng desisyon sa hirit na makabiyahe sa labas ng bansa si Senator Jinggoy Estrada.
Inatasan kasi muna ng anti-graft court si Estrada na kumpletuhin sa loob ng limang araw ang mga kinakailangang dokumento para sa kanyang travel request.
Kabilang na rito ang itinerary, hotel booking details, authority to travel at affidavit of undertaking.
Nais ni Estrada na makabiyahe sa Japan mula December 26 hanggang 31, at sa Norway, Iceland, at Austria mula January 5 hanggang 15.
Tutol naman ang prosekusyon dito, na tinukoy na kasama si Estrada sa Immigration Lookout Bulletin Order kaugnay ng posibleng pagkaka-sangkot niya sa flood control anomaly.
Kung maalala, nanatiling nakabinbin ang mga kasong plunder at graft laban kay Estrada kaugnay ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.









