Desisyon sa pagbabawal ng unvaccinated minors na makapasok sa malls sa Metro Manila, ipauubaya na sa IATF

Ipapaubaya na lamang ng Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang desisyon kung ipagbabawal ang paglabas ng bahay ng mga hindi pa bakunadong kabataan.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, nagkaroon sila ng pagpupulong kahapon kasama sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, Interior Secretary Eduardo Año, Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua at ilang kinatawan ng Department of Health.

Dito aniya, napagkasunduan na ang IATF na lamang ang magdesisyon kung papayagan pa ring makapasok sa malls ang mga kabataang hindi pa bakunado kontra COVID-19.


Una nang pinayagan ng IATF na makagala ang mga bata sa mall sa Metro Manila matapos ibaba sa Alert Level 2 ang rehiyon.

Facebook Comments