Desisyon sa pagluwag ng community quarantine sa Metro Manila, dapat expert at data based ayon kay Mayor Teodoro

Nais ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro na kailangan maging malinaw ang pagdesisyon sa pagpapaluwag ng community quarantine sa buong Metro Manila.

Ayon kay Mayor Teodoro, dapat may basehan tulad ng mga datos ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

Maliban dito aniya dapat kumonsulta rin sa mga eksperto sa kalusugan at ekonomiya.


Hindi aniya dapat na haka-haka lang pagpapatupad ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa kalakhang Maynila.

Mas mainam aniya na magkaroon muna ng bakuna bago magpatupad ng MGCQ sa Metro Manila.

Umaasa si Teodoro na dadaluhan ng mga eksperto sa kalusugan at ekonomiya at magbibigay rin ng datos ukol sa status ng COVID-19 sa gagawin nilang pagpupulong ng Metro Manila Council mamayang gabi.

Facebook Comments