Desisyon sa petisyon para sa minimum wage increase, ilalabas bago ang Mayo ayon sa DOLE

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na may desisyon na bago ang buwan ng Mayo hinggil sa inihaing petisyon para taasan ang minimum wages sa bansa.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay, kumikilos na ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Board at may utos na rin si Labor Secretary Silvestre Bello III na pabilisin ang proseso.

Nabatid na may anim na rehiyon ang nakatanggap na ng sampung petisyon para sa wage increase.


Una nang isinusulong na gawing P750 ang minimum wage sa Metro Manila ng ilang grupo habang karagdagang P470 naman ang inihaing petisyon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para maging P1,007 ang sweldo ng mga minimum wage earner sa National Capital Region.

Facebook Comments