Desisyon sa quarantine status sa bansa, pinag-aralang mabuti ng gobyerno at IATF

Suportado ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaugnay sa quarantine status sa Metro Manila at mga lugar sa bansa.

Naniniwala si Go na ito ay pinag-aralang mabuti ng IATF at ibinase rin sa mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na sa National Capital Region (NCR) Plus bubble at iba pang lalawigan.

Ang mahalaga umano ay mabantayang mabuti ang healthcare system ng bansa upang maiwasan ang pagbagsak nito.


Kasabay nito ay umaapela si Go sa pamahalaan at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bilisan ang pagbibigay ng ayuda sa NCR Plus at maghanda ng food packs para sa mga lugar o barangay na nagkakaroon ng lockdown.

Facebook Comments