Desisyon sa term-sharing nila Speaker Cayetano at Cong. Velasco, ipauubaya na lamang sa mga kongresista

Manila, Philippines – Ipauubaya ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco sa mga kasamahang kongresista ang desisyon para sa term-sharing nila ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay Velasco, desisyon pa rin ng mga kongresista kung iluluklok siya para ituloy ang nalalabing 21 buwang termino bilang Speaker.

Naniniwala naman si Velasco na makakaupo sya bilang House Speaker matapos ang 15 buwang termino ni Cayetano dahil malinaw naman ang kanilang usapang lalaki noong una.


Hindi lamang matiyak ng kongresista kung makikialam pa si Pangulong Rodrigo Duterte o si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sakaling hindi nangyari ang term-sharing.

Nauna nang lumutang na maaaring hindi na matuloy ang term sharing dahil sa mataas na trust at approval ratings ni Cayetano.

Facebook Comments