Desisyon tumakbong bise-presidente sa 2022 election, ipapaubaya na ni Pangulong Duterte sa Diyos

549

Ipapaubaya na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos ang desisyon na pagtakbo nito sa 2022 election bilang bise-presidente ng Pilipinas.

Kasunod ito ng nalalapit na pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa susunod na taon.


Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, wala pang tiyak na desisyon ang Pangulo sa pagtakbong muli bilang mataas na opisyal ng gobyerno.

Maituturing namang personal opinyon ang sinabi ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo na Duterte-Duterte tandem sa 2022, dahil giit ni Roque nais nang umuwi sa Davao ni Pangulong Duterte upang makapagpahinga.

Facebook Comments