Desk na puwede sa kaliwete, pasado kay Duterte

Aprubado na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na mag-uutos sa pampubliko at pribadong mga eskuwelahan na magkaroon ng “neutral desks” para sa lahat ng estudyante.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11394 o Mandatory Provision of Neutral Desks in Educational Institutions Act, kailangan maglagay ng neutral armchair sa lahat ng silid-aralan na maaring gamitin ng mga left-handed o right-handed na mag-aaral.

Nakasaad sa pinirmahang panukala ni Duterte noong Agosto 22 na dapat maglaan ng mga neutral desk sa loob ng isang taon mula nang maipatupad ang batas.


Matatandaang inihain ito nina Senador Sonny Angara at Antipolo 1st District Cristina Roa-Puno noong nakaraang taon.

Facebook Comments