‘DESPERADO’ | Mga kongresista, magmumukha lang daw istupido kung itutuloy ang botohan sa Federalism

Manila, Philippines – Magmumukhang istupido lamang ang mga kongresista kung itutuloy pa rin ang botohan para sa Federalism kahit wala ang Senado.

Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tuloy ang Kamara sa botohan sa Federalism nang wala ang kanilang mga counterpart sa Senado ay isang desperadong pahayag.

Wala aniyang mangyayaring amendment o revision sa Konstitusyon dahil nakasaad sa Saligang Batas ang 3/4 votes ng kabuuang Kongreso o kaya naman ay sa pamamagitan ng Constitutional Convention.


Aniya, wala pa silang gagawin na legal na hakbang sa oposisyon at sa halip ay panonoorin na lang nilang magmukhang katawa-tawa at tanga ang supermajority.

Nauna nang sinabi ni Alvarez na inumpisahan na ng Kamara ang Cha-Cha kahit wala ang Senado at tuloy pa rin ang kanilang 3/4 na botohan para sa Federalism na siyang isusumite nila pagkatapos para sa plebesito sa May 2018.

Facebook Comments