DESTABILISASYON | Pag-target sa mga estudyante na pinaghihinalaang kasama sa Red October, pinaiimbestigahan

Manila, Philippines – Dumulog ang mga miyembro ng Kabataan Partylist kasama si Kabataan Rep. Sarah Elago at mga kongresista ng MAKABAYAN sa Kamara para paimbestigahan ang pagmamanman ng mga militar at pulis sa mga unibersidad at kolehiyo kaugnay sa mga estudyante na iniuugnay umano sa Red October.

Kasama sa mga naghain ng resolusyon ang mga student leaders galing sa University of the Philippines, Ateneo de Manila, Dela Salle University at University of Santo Tomas.

Giit ni Elago, lantaran ang pagpuntirya ng militar sa mga miyembro ng kabataan at mga aktibista sa mga unibersidad.


Isa sa biktima ng red tagging ng militar ay ang UP student regent na si Ivy Taroma.

Naniniwal pa si Elago na tiyak na diskarte din ng mga pulis at militar ang bomb threats sa mga eskwelahan para mangbulabog at manakot.

Samantala, sa October 12, magkakaroon ng mobilisasyon ang Makabayan bloc kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan at student leaders na tatawagin nilang October rage para ipanawagan ang anilay pag-atake sa mga eskwelahan.

Facebook Comments