DESTABILISASYON | Red October plot laban kay PRRD, may basehan – Speaker Arroyo

Manila, Philippines – Naniniwala si House Speaker Gloria Arroyo na may sapat na basehan si Pangulong Duterte kaugnay sa planong pagpapatalsik sa kanya ng mga komunista at iba pang grupo ngayong buwan ng Oktubre.

Paliwanag ni Arroyo, may mga impormasyon na tanging ang Pangulo lamang ang nakakaalam at hindi pwedeng ma-access o ilabas sa isang ordinaryong tao.

Sinabi ni SGMA na tulad sa kanyang karanasan noong siya ay Pangulo pa ng bansa, may mga impormasyon mula sa mga intelligence report din siyang nakukuha na siya lamang ang nakakaalam.


Kung para kay Pangulong Duterte ay may bantang destabilisasyon sa kanyang pamamahala ay tiyak na may batayan ito.

Samantala, no comment naman si Arroyo sa pag-aresto kahapon kay Senator Antonio Trillanes IV kung saan matatandaang panahon ni GMA nang mag-aklas ang mga sundalo laban sa dating Pangulo.

Facebook Comments