Manila, Philippines – Itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pahayag ni Pastor Biy Saycon na sangkot ang simbahang Katolika sa destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, sasabihan niya si Saycon na mag-ingat sa mga sinasabi sa publiko at sa media.
Aniya, bukas ang palasyo na turuan ito ng communication protocols.
Nilinaw naman ni Pastor Boy Saycon na hindi niya iniuugnay sa destabilization sa katatagan ng administrasyon ang simbahang Katolika.
Itinanggi naman ng Liberal Party na sangkot sila sa destabilization laban sa Pangulo.
Sa isang text message, tinawag ni Liberal Party President Senator Kiko Pangilinan na walang basehan ang paratang.
Aniya, paraan lamang ito ng administrasyon para ibaling ang atensiyon ng publiko sa laganap na korapsyon at iba pang malalaking isyu sa bansa.