Destabilization matrix laban kay PRRD, hindi dapat inilabas – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo na hindi dapat inilabas ng gobyerno ang hindi naberipikang matrix na naglalaman ng mga personalidad na nasa likod ng planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo – hindi naman naipaliwanag kung paano napasama ang mga isinasangkot sa matrix.

Aniya, naaapektuhan ang reputasyon ng maraming tao dahil sa unverified information.


Kinuwestyon din ni Robredo ang palalabas ng matrix na walang ebidensya o basehan.

Dagdag pa ni Robredo – hindi ito ang unang beses na naglabas ng matrix tungkol sa ouster plot laban sa chief executive.

Inalala ng Bise Presidente ang pagkakadawit sa kanya sa “oust Duterte movement” kahit wala siyang kinalaman dito.

Matatandaang idinawit sa matrix ang National Union of People’s Lawyers (NUPL), Rappler, Vera Files at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa mga kumakalat na “Bikoy videos” na nag-uugnay sa presidential family sa ilegal na droga.

Facebook Comments