Detachment ng CAA sa Sto. Niño, Cagayan, Pinagbabaril ng mga Hinihinalang NPA!

241

*Sto. Niño, Cagayan- *Pinaputukan kagabi pasado alas nuwebe ng mga hinihinalang mga miyembro ng New Peoples Army (NPA) ang isang detachment ng Civilian Active Auxiliary (CAA) sa barangay Balanni, Sto. Niño, Cagayan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng mga Pulisya, bigla na lamang dumating ang hindi pa mabatid na mga bilang ng hinihinalang NPA at pinaputukan ang nasabing detachment.


Maswerte namang walang nasugatan at nasaktan sa panig ng gobyerno matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa mga NPA na nagtagal ng mahigit sampung minuto.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring insidente.

Facebook Comments

From Advertisers