Detachment ng Cafgu pinaulan ng bala, Police Vehicle pinasabugan sa Ampatuan Town

Sugatan ang isang PNP Personnel ng Ampatuan MPS matapos masabugan ang kanilang sinasakyang police vehicle pasado alas 9 kagabi .
Naitala ang explosion sa Sitio Kalamansing Brgy Salman Ampatuan.
Bago ang pagsabog nagmula sa pagresponde ang mga kapulisan . Sinasabing hinarass ng mga armado ang Cafgu Detachment ng 6th Mag CAA Delta Coy ng 38th IB sa Brgy Kauran. Ilang myembro din ng cafgu ang naging wounded base sa initial na report na ipinarating sa DXMY.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.

Facebook Comments