Detachment ng militar hinaras ng BIFF sa bayan ng Pigkawayan North Cotabato

38

Hinaras ng mga armadong grupo na pinananiwalaang kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang detachment ng 38th IB o Civilian Armed Auxiliary (CAA) sa barangay Simsiman sa bayan ng Pigkawayan North Cotabato pasado alas otso kagabi.
Matapos ang pagsalakay ay agad ding tumakas papunta sa direksyon ng Brgy. Buricain ang mga rebelde. Wala namang tinamaan sa nasabing pag atake. Nitong Huwebes ay tinangkang pasukin ng BIFF ang barangay Malagakit subalit napigilan sa agarang pagresponde ng militar ngunit matagumpay na pinasok ang kalapit barangay ng Bulucaon.
At dito ay mayroong apat na mga bahay ang pinasok at pinagnakawan ng grupo .(Amer Sinsuat)

Facebook Comments