Detained Senator Leila de Lima, negatibo sa COVID-19

Negatibo sa COVID-19 si detained Senator Leila de Lima.

Ito ang kinumpirma ng kanyang chief of staff na si Atty. Fhillip Sawali makaraang payagan ng korte ang senadora na magpagamot sa ospital dahil sa mild stroke.

Ayon kay Sawali, kinakailangan ni de Lima na dalhin sa Manila Doctors Hospital upang mabigyan ng tamang medical treatment sa kanyang kondisyon.


Una nang pinayagan ng Muntinlupa Regional Trial Court ang inihaing very urgent motion ng kampo ng senadora na humihiling ng medical furlough at confinement.

April 20, 2021 ng makaranas ng pananakit ng ulo si de Lima at panghihina na humantong sa mild stroke.

Facebook Comments