Manila, Philippines – Nag-iingat ngayon ang Mababang Kapulungan sa paglalabas ng detalyadong kopya ng martial law.
Paliwanag ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, may mga “classified information” na hindi pwedeng isapubliko at hindi naman maaaring salungatin ng Kongreso.
Sa ngayon ay sinisimulan ng aralin ang martial law report ni Pangulong Duterte matapos na matanggap ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang report dito kagabi.
Ipinangako naman ni Farinas na hindi nila itatago ang nilalaman ng report sakaling cleared ito para isapubliko.
Inaasahang sa Lunes ay maisasama na sa order of business ng kamara ang martial law report pero hindi pa malinaw kung ito na ang magiging hudyat para mapag-usapan ito sa plenaryo.
DZXL558, Conde Batac