Detalyadong panuntunan sa pagtataas sa 70% ng passenger capacity ng ilang public transport, ilalabas na ngayong araw

Inaasahang ilalabas na ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang detalyadong panuntunan sa pagtataas sa 70% ng passenger capacity ng mga bus, tren at jeep.

Ipapatupad ito simula sa Huwebes, November 4.

Batay sa anunsiyo ng Department of Transportation (DOTr), may mga bagay na dating ipinagbabawal pero papayagan na kasama ang pagtatanggal ng plastic barriers.


Maaari kasi itong pagmulan ng virus na kakabit sa mga plastic.

Kasabay nito, nakikipag-usap na rin ang LTFRB sa Department of Energy (DOE) para kausapin ang mga kumpanya ng langis at itaas ang fuel discount ng mga PUV.

Para ito sa P5 mula sa kasalukuyang P1 hanggang P3.

Facebook Comments