Iisa-isahin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) mamayang hapon ang kanyang mga nagawa at plano para sa huling taon nito sa pwesto.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, asahan ng publiko na ilalahad ng Pangulong Duterte ang detalyadong roadmap para makabangon ang bansa sa pandemya lalo na’t patuloy na nakikipaglaban ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic na mas pinalala ng Delta variant.
Tutuon din aniya ang SONA ng pangulo sa matagumpay na kampanya ng administrasyon laban sa droga at korapsyon.
Tiniyak naman ni Roque na walang babanggitin ang pangulo hinggil sa plano nito para sa 2022 presidential election.
Bagama’t may last minute na binago sa laman ng SONA, hindi naman tinukoy ni Roque kung ano ito.
Bandang 4:00 ng hapon inaasahang magsisimula ang SONA ng pangulo sa Batasang Pambansa sa Quezon City kung saan posibleng tumagal ito ng 45 minuto.