Detalyadong ulat sa bayan ni PBBM, ipamamahagi sa araw ng SONA

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hirap siyang pagkasyahin sa isang oras ang kaniyang i-uulat sa mga Pilipino sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) sa July 22.

Ayon sa pangulo, target lamang nilang mapagkasya ang lahat ng nagawa at gagawin pa ng administrasyon sa loob ng isang oras lamang.

Dahil dito, ay mag-iimprenta sila ng detalyadong report dahil masyado aniyang mahaba kung i-uulat niya ng detalyado ang kanyang ikatlong SONA.


Ipamamahagi nila ang printed report sa mga miyembro ng media, pampubliko at pribadong sektor, at pati na rin sa mga paaralan.

Sabi ng pangulo, layunin nitong maipakalat sa mga Pilipino kung ano ang ginagawa ng administrasyon lalo na ang mga pangakong nabanggit niya na nabigyan na ng katuparan.

Facebook Comments