Ipinadala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detention Group (PNP-CIDG) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang detalye ng 1,672 kaso at insidente ng paglabag sa karapatang pantao ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) simula 2010 hanggang ngayong taon.
Ayon kay AFP Center for Law of Armed Conflict Director BGen. Alejandro Joel Nacnac, nagbigay sila ng mga detalye matapos na hilingin ito ng NTF-ELCAC.
Nakasaad aniya sa ipinadala nilang mga paglabag ng CPP-NPA ay ang paggamit ng NPA sa mga kabataan para makipag-engkwentro, paninira ng civilian properties, paggamit ng anti-personnel mines, pagpatay at iba pang mga paglabag sa karapatang pantao na namonitor ng AFP.
Naniniwala si Nacnac na sa tulong PNP at NTF-ELCAC, matitigil na ang mga paglabag na ito ng communist terrorist groups.