Para kay Quezon 3rd District Representative Reynan Arrogancia, ang Masagana Program ay patunay na prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng mga magsasakakabilang dyan ang mga magsasaka ng palay.
Gayunpaman, iginiit ni Arrogancia na dapat isapubliko ng Department of Agriculture (DA) ang buong detalye ng Masagana Program lalo na kung paano nila ito ipatutupad.
Pangunahin sa nais ni Arrogancia na mabigyang-linaw ay ang aspekto ng “consolidation” at “mechanization.”
Binanggit ni Arrogancia na sa ngayon ang pamamaraan ng consolidation na kanyang pinapaboran ay ang kooperatiba sapagkat hindi na ito bago sa kabatiran ng mga magsasaka at mamamayan.
Ipinaliwanag ni Arrogancia na kung gagamit pa ng ibang pamamaraan ng consolidation lingid sa kooperatiba ay baka mahirapan pa ang pamahalaan sa pagsusulong nito.
Sa mechanization naman ay iginiit ni Arrogancia na mas mainam na ipamigay sa mga rice farmer ang small machines bilang subsidy sa kanilang pagsasaka at huwag nang ipautang pa.