Pinaplantsa na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga detalye sa ipapatupad na pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila na magsisimula sa Miyerkules, September 8.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ibang istratehiya ang kanilang ipapatupad na kakaiba sa kasalukuyang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Tiniyak naman ng Department of Health (DOH) na mayroong framework na ipapatupad para sa paglipat sa granular lockdown.
Sa ngayon, naniniwala ang mga opisyal ng gobyerno na magiging paraan ang granular lockdown para sa mas epektibong pagtukoy at pag-isolate ng mga kaso nang hindi naaapektuhan ang malaking bahagi ng populasyon.
Facebook Comments