Detention center para kay Pastor Quiboloy, inihahanda na ng Kamara

 

Hanggang ngayong araw lamang ang ibinigay na palugit ng House of Representatives kay Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy para magpakita sa Batasan Pambansa.

Ito ay bilang tugon sa ipinataw na contempt sa kanya ng House committee on legislative franchises matapos niyang ilang beses na hindi siputin ang pagdinig ukol sa umano’y mga paglabag sa prangkisa ng Sonshine Media Network International o SMNI.

Bunsod nito ay sinabi ni House Secretary Reginald Velasco, handa na ang detention facility sa Kamara para kay Quiboloy sakaling maglabas na ng kautusan na ito ay ipaaresto at ipakulong.


Binanggit ni Velasco na ang detention center ay malapit sa south gate ng Batasan Complex, may aircon, may CCTV cameras na mino-monitor ng legislative security bureau at may hiwalay na comfort rooms para sa lalaki, babae at may kapansanan.

Facebook Comments