Detention kay John Paul Solano, kinuwestiyon ng kanyang abogado

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Atty. Paterno Esmaquel ang detention sa Manila Police District ng kanyang kliyenteng si John Paul Solano, isa sa mga suspek sa pagkamatay ni hazing victim Horacio Castillo III.

Maging ang proseso ng pag-inquest kay Solano ay kinuwestiyon din ni Esmaquel.

Ayon kay Atty. Esmaquel, walang complex crime na “mala in se and Mala prohibita.”


Wala rin aniyang rason para patuloy na ikulong ang kanyang kliyente kaya dapat ay agad itong palayain.

Ayon sa DOJ Panel, reresolbahin nila ang omnibus motion ng kampo ni Solano ngayong araw o hindi kaya ay bukas ng umaga.

Facebook Comments