DETENTION PROGRAM | Senate Pres. Tito Sotto, nagmungkahi ng alternatibo sa panukalang death penalty

Manila, Philippines – Nagmungkahi si Senate President Tito Sotto III ng aleternatibo sa panukalang ibalik ang death penalty.

Aminado si Sotto, isa sa may-akda ng Death Penalty Bill na mahihirapan itong lumusot o mababasura lang lalo at hati ang pananaw ng mga kapwa niya senador hinggil dito.

Nais ni Sotto na maipasa ang Senate Bill No. 1 na inihain pa niya noong Hulyo 2016 na magtatatag ng detention program para sa high-level drug traffickers pero nakabinbin ito sa committee on justice and human rights na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon.


Sa ilalim ng panukala, magkakaroon ng hiwalay na penal facility ang mga high level illegal drug offenders at itatayo ito sa malayo at liblib na lugar.

Handa naman si Sotto na maging co-sponsor sa Death Penalty Bill.

Sa kabila nito, suportado ni Sotto ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga high-level drug offenders tulad ng mga drug lord.

Facebook Comments