DETERMINADO | PRRD, pursigido sa pagbuo ng Disaster Resilience Department

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na determinado si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng isang ahensiya na siyang tututok sa paghahanda para sa kalamidad.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, gusto ni Pangulong Duterte na mayroong kagawaran na siyang magmamando sa mga kailangang gawin sa oras na may tumamang kalamidad sa bansa.

Sinabi ni Roque na ito ay tumutugma din sa gusto ni Pangulong Duterte na magkaroon ng isang tao lamang na magmamando sa rehabilitasyon ng Marawi City kaya nito itinalaga si Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Chairman Eduardo Del Rosario bilang pinuno ng Taskforce Bangon Marawi.


Nabatid na kahapon ay isinumite na ni Presidential Legislative Liaison Office o PLLO Secretary Adelino Sitoy sa Senado at sa Kamara ang panukalang batas para sa pagbuo ng Department of Disaster Resilience na isang Priority bill ng Administrasyon.

Facebook Comments