DEVELOPMENT COUNCIL SA BUONG PILIPINAS

Cauayan City – Itinanghal bilang isa sa top 10 local youth development office council sa buong pilipinas ang lungsod ng Santiago sa katatapos lamang na National Youth Awards 2024.

Ang Local Youth Development Council (LYDC) ay ang pinakamataas na organisasyon na bumubuo ng mga patakaran para sa pagpapabuti ng kalagayan ng kabataan sa lokal na pamayanan at itinatag sa ilalim ng Republic Act 10742 at pinagtibay ng Republic Act 11768.

Binubuo ang CYDC Santiago ng mga kinatawan mula sa 19 na YORP-registered youth at youth-serving organizations, kasama sa mga pangunahing miyembro nito na sina Hon. Respicio bilang Chairperson, Hon. Arjay M. Siminig bilang Vice-Chairperson, at ang LYDO bilang secretariat.


Layunin ng prestihiyosong parangal na ito na kilalanin at gantimpalaan ang mga Sangguniang Kabataan (SK), Local Youth Development Officers (LYDO), at LYDCs na nagsagawa ng mga inisyatiba at adbokasiyang tumutugon sa mga isyung panlipunan, na nakaayon sa Ten Centers of Participation ng Philippine Youth Development Plan.

Facebook Comments