Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nakamonitor sila sa mga bagong development sa gamot na Molnupiravir na sinasabing nakakatulong panlaban sa COVID-19.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nakatutok sila sa mga ginagawang pag-aaral ng mga eksperto sa ibang bansa kaugnay sa nasabing antiviral drug.
Aniya, mayroon ng approval para Emergency Use Authority (EUA) ang Molnupiravir pero sa ibang bansa ito at hindi sa Pilipinas.
“Ang alam ko iyan iyong gamot na binigyan diumano ng approval or EUA. Pero dito sa atin, wala pa pong nag-a-apply. Hinihikayat po natin ang mga pharmaceutical healthcare association of the Philippines na tingnan po ito, at kung makapag-apply na proactively ‘no for an EUA, Emergency Use Authorization, or Compassionate Special Permit. So kahit na wala pa iyong gamot, pero kapag naging available na, at least mayroon na kaagad authorization.” ani Duque
Kasabay nito, inatasan ni Duque ang pharmaceutical division ng DOH na maging proactive para sa nabanggit na gamot.