Development sa exit visa ng iba pang undocumented OFWs sa KSA, tinututukan ng Philippine Embassy

Saudi Arabia – Patuloy na tinututukan ng Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate sa Jeddah ang kaso ng iba pang undocumented OFWs sa Saudi Arabia.

Mahigit pitong libo pa kasing undocumented Filipinos sa Saudi Arabia ang naghihintay ng repatriation.

Pinapayuhan naman ng Department of Foreign Affairs ang undocumented OFWs sa Saudi Arabia na may pagkakautang na ayusin na ang kanilang obligasyon.


Ito ay para mapabilis ang pagproseso sa kanilang exit visa.

Nai-forward na sa Saudi Immigration ng Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate sa Jeddah ang application sa exit visa ng mga nagpatala bago pa man natapos ang June 25 deadline sa amnesty program.

Kabuuang 12,000 undocumented OFWs ang nagpa-rehistro para sa amnesty program ng Saudi Government at mahigit limang libo sa mga ito ay napauwi na ng Pilipinas.

Facebook Comments