Developments sa South China Sea, tinalakay nina PBBM at Indonesian President Joko Widodo

Palalakasin pa ng Pilipinas at Indonesia ang kooperasyon sa depensa.

Ito ay kasabay ng pagtalakay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Indonesian President Joko Widodo sa developments sa South China sea.

Sa joint press statement matapos ang bilateral meeting sa Malakanyang, inihayag ng pangulo na napagkasunduan ang patuloy na pagtutulungan sa mga isyung politikal at seguridad kasunod rin ng isinagawang joint commission for bilateral cooperation na pinangunahan ng foreign ministers ng magkabilang bansa.


Ayon pa sa pangulo na pinagtibay ng dalawang bansa ang universality o pananaig ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS na nagsisilbing legal na batayan sa mga aktibidad sa karagatan.

Kinumpirma naman ni Widodo na napagkasunduang resolbahin ang continental shelf boundary issues, pagpapalakas ng border cooperation at pagsasaayos ng border patrol at border crossing agreement.

Isinulong din nito ang patuloy na pagkakaisa ng ASEAN sa pagtataguyod ng International Law para sa kapayapaaan, kaayusan at kasaganahan.

Facebook Comments