Devon Seron at Kiko Estrada, hiwalay na nga ba?

“The tongue may hide the truth but the eyes never.”

Iyan ang mariing pahayag ng aktres na si Devon Seron kasunod ng mga ispekulasyong hiwalay na sila ng kaniyang partner na si Kiko Estrada.

Paliwanag ni Devon sa post nito, nang humiling siya ng sign kay God ay higit pa ang binigay nito dahil mismong mga mata niya ang nakakita sa nangyari.


Hindi naman ipinaliwag ng aktres kung ano ito.

Makalipas ang dalawang oras, agad nang dinagsa ng komento ang post ni Devon na nagbibigay encouragement sa kaniya.

Ilan pa nga dito ang nagsabing hindi na nagpo-post ng larawan ang aktres kasama si Kiko na hindi normal para sa kanilang dalawa.

Sa ngayon, nadadawit na ang aktres na si Heaven Peralejo sa umano’y hiwalayan ng dalawa pero wala pa itong kumpirmasyon.

Facebook Comments