Dexter Carlos, tinanggal na sa listahan ng “persons of interest” sa Bulacan massacre

Manila, Philippines – Tinanggal na sa listahan ng mga “Persons of Interest” sa Bulacan massacre si Dexter Carlos Sr.

Ayon sa abogado nitong si Atty. Percida Acosta, hepe ng Public Attorney’s Office – isang magandang pangyayari ang naging desisyon ng PNP na hindi na kasama sa “persons of interest” si Carlos na nawalan ng asawa, tatlong anak at biyenan noong Hunyo 27.

Dobleng sakit kasi para kay Carlos na mapag-bintangan pa matapos mawalan ng mahal sa buhay.


Sinabi pa ni Acosta na kailangang maging mapanuri ang mga imbestigador sa pagkalap ng mga ebidensiya lalo na’t walang motibo si Carlos para patayin ang kaniyang pamilya.

Facebook Comments