DFA aalalayan ang mga papauwiing overstaying OFW sa Israel

Ngayon pa lamang naghahanda na ang OWWA repatriation team at Department of Foreign Affairs (DFA) sa repatriation ng mga overstatying Filipino worker sa bansang Israel.

Una rito, nakatanggap ang Department of Foreign Affairs (DFA) nang reports kaugnay ng scheduled deportation ng Filipino workers at kanilang pamilya mula  Israel.

Nakikipag ugnayan na ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa Israeli Population and Border Authority (PIBA) upang mapadali ang pagpapabalik sa mga overstaying ng mga Pilipino at kanilang pamilya.


Ang PIBA ang magbibigay ng repatriation  tickets sa mga taong e-endorso ng Embahada.

Bagaman inirerespeto ng Pilipinas ang mga batas sa Israel, hiniling ng Pilipinas sa Israeli government na pakitunguhan ang mga overstaying Filipinos sa makatao at sa sensitibong paraan, dahil may mga kasamang mga bata.

Gayundin, ang DFA ay nanawagan sa mga Pilipino sa Israel na obserbahan at sundin ang mga batas sa host country.

Nakahanda ang DFA na magbigay ng kinakailangang mga tulong sa mga apektadong Pilipino, at nakikipag ugnayan na sa ibang ahensya ng gobyerno para sa reintegration programs para sa mga repatriated.

Hiniling ng DFA  sa mga apektadong Pilipino na magtungo sa Philippine Embassy sa Tel Aviv para sa orientation sa repatriation program gayun din sa government reintegration.

Facebook Comments