DFA, aminadong kailangan ng diskusyon sa maaaring access ng mga sundalo ng US sa military bases ng Pilipinas

Aminado ang Department of Foreign Affairs (DFA) na kailangang pag-usapan nang mabuti ng Pilipinas at Amerika ang hinggil sa posibleng maging access ng mga sundalo ng US sa military bases sa Pilipinas.

Partikular ang unang tinukoy ng Pilipinas ang karagdagang apat na military bases na maaaring ma-access ng mga sundalong Amerikano.

Ginawa ni Foreign Sec. Enrique Manalo ang pahayag isang araw bago ang unang combined meeting sa pagitan ng foreign at defense ministers ng Pilipinas at Amerika makalipas ang pitong taon.


Ayon naman sa mga eksperto, nakikita ng Amerika ang Pilipinas bilang isang potential location para sa rockets, missiles at artillery systems sa harap ng pag-angkin ng China sa Taiwan.

Sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), pinapayagan ang US na magkaroon ng access sa military bases ng Pilipinas para sa joint training, pre-positioning ng equipment at pagtatayo ng mga pasilidad gaya ng runways, fuel storage at military housing subalit hindi permanente.

Facebook Comments