DFA, aminadong nakabahala sa banta ng China na pag-aresto sa kanilang mga inaangking teritoryo

 

Inamin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na nakababahala ang banta ng China na pag-aresto sa mga Pilipinong papasok sa kanilang mga inaangking teritoryo.

Ayon kay Manalo, walang ligal na basehan sakaling ipatupad ito ng Tsina sa buong West Philippine Sea at hindi ito kinikilala ng Pilipinas.

Malinaw rin aniyang maglilikha ito ng tensyon sa nasabing teritoryo.


Tiniyak din ng DFA na sinisikap nilang tuparin ang karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng international law pero pilit itong hinaharang ng China.

Facebook Comments