Hiniling ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na tulungan ang nasa 400 mga mangingisdang Pilipino sa Hawaii na makakuha ng employment visa.
Sa kanyang privilege speech ay inihayag ni Magsino na bagama’t maayos ang working conditions ng naturang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Hawaii ay limitado ang kanilang galaw, hindi maaring makalabas sa pantalan at walang security of tenure.
Mungkahi ni Magsino sa gobyerno, maglatag ng labor agreement sa Estados Unidos para matugunan ang nabanggit na sitwasyon ng mga Filipino fishermen sa Hawaii.
Facebook Comments